P1M ari-arian nalimas sa Internet café

SOLANO, Nueva Viz­caya – Umaabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang nalimas ng mga kawa­tan sa Internet café na may ilang metro la­mang ang layo sa himpilan ng pulisya sa Abbacan Street, Brgy. Poblacion South sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya noong Sa­bado ng mada­ling-araw.

Kabilang sa mga gamit na nakulimbat mula sa Netopia Internet café ay ang 24 CPU (central processing units), 2 computer servers at digital camera.

Ayon sa ilang testigo, may isang Toyota Vane­nette na nakaparada sa ha­rapan ng nasabing In­ternet café bandang alas-4 ng ma­daling-araw at kahina-hi­nalang umalis matapos ang ilang minuto.

Nadiskubre ang nagka­wala na mga computer matapos na pumasok ang ilang kawani kinabuka­san.

Sa tala ng pulisya, ito na ang ikalawang naka­ wan sa commercial establishment sa nasabing ba­yan kung saan nilooban din ang Centro Mall na natangayan ng milyong halaga ng ari-arian may apat na buwan na ang na­kalipas. (Charlie Lagasca)

Show comments