P10,000 kada ma-recruit ng MILF

Ibinunyag kahapon ng mili­ tar na nag-aalok ng P 10,000 ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels sa mga resi­dente kaugnay ng aktibong recruitment  ng mga ito sa Ba­rangay Inawayan sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur.

Batay sa impormasyon, sinabi ni Lt. Col. Lyndon Paniza, hepe ng Army’s 39th Infantry Battalion, desperado na ang pa­saway na grupo ng MILF at mismong sa bahagi ng Davao del Sur ay nagre-recruit ng mga kabataan.

Nabatid na gumagala ang MILF partikular na kung gabi at nangangatok ng mga bahay para hikayatin ang mga kala­lakihan gayundin ang mga ka­bataan na umanib sa grupo ng pasaway na si Commander Ameril Ombra Kato.

Ayon kay Paniza, ang mga nagre-recruit ay naka­base sa Da­vao del Sur at Da­vao Oriental na pawang mga kaal­yado ni Commander Kato na nag-oope­rate naman sa Central Mindanao.

Nauna nang napaulat na nagsilayas na sa North Cota­bato at Maguindanao bunga ng pinaigting na opensiba ng mili­tar ang mga kawal ni Comman­der Kato na ngayo’y nag­sisi­pag­tago sa bahagi ng Da­vao.

Kaugnay nito, patuloy na­mang minomonitor ng militar at pulisya ang dalawang base camps ng MILF sa Southern Mindanao upang tiyakin na hindi makakapaghasik ng kaguluhan bilang pakikisim­patiya sa grupo ni Comman­der Kato sa Central Minda­nao. (Joy Cantos)

Show comments