7 kawal ng AFP utas sa MILF rebs

Pitong sundalo ng Armed Forces of the Phil. (AFP) kabilang ang ini­ulat na napaslang ha­bang 12 iba pa ang na­sugatan sa magkahi­walay na engkuwentro ng militar at mga re­ beldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguin­danao, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni Lt. Col. Ernesto Torres, hepe ng AFP-Public Information Office, nakasagupa ng Army’s 64th, 54th at  46th Infantry Battalion (IB), ang grupo ng MILF rene­gades sa bisinidad ng Sitio Nimao, Brgy. An­davit, Datu Piang, Ma­guindanao na ikinasawi ng tatlong sundalo kabi­lang ang isang opisyal habang 12 naman ang nasugatan.

Bandang alas-4:15 naman ng hapon nang tambangan ang tropa ng Army’s 64th Infantry Battalion sa bahagi ng Brgy. Pagatin sa bayan ng Datu Saudi Ampa­tuan  na ikinamatay ng apat na sundalo.

Gayon pa man, tu­manggi muna si Torres na isapubliko ang mga pangalan ng sundalo na nasawi dahil kailangan pang impormahan ang kani-kanilang pamilya.

Si Kato at ang mga tauhan nito ay sangkot sa panununog ng mga ka­ba­hayan, pagnanakaw at pagpatay sa mga sibilyan matapos na sakupin ang 15 barangay sa pitong bayan ng North Cotabato noong unang bahagi ng Agosto.

Ayon kay Torres, pa­tuloy naman ang isina­sagawang hot pursuit operations ng tropa ng militar laban sa grupo ni Kumander Kato na pina­niniwalaang nagpapa­lipat-lipat lang ng taguan sa Maguindanao at Cota­bato.

Nabatid na tumaas ang bilang ng namama­tay sa panig ng militar sa pagtatapos ng Ramadan.

 “War is never easy, its either you get them or they’ll get you. It’s just unfortunate that we have to incur several casualties in that series of encounter yesterday,” ani Torres.

Samantalang, base sa intelligence report ay marami ang nalagas sa panig ng MILF rebs um­pisa pa noong Martes ma­tapos ang sunud-sunod na bakbakan sa Maguindanao at ilang ba­hagi ng North Cotabato.

Show comments