CAVITE – Pinaniniwalaang nalugi ang negosyong babuyan kaya nagdesisyong magbigti ng isang 77-anyos na Tsino sa bakuran ng kanilang tahanan sa Barangay Amaya sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang balo na si Shi Neng Jian, na natagpuan ng kaniyang ama na si Shiwen Chiang na nakabitin sa likurang kisame ng kanilang bahay.
Sa imbestigasyon ni PO2 Benny Sabio, Bandang alas-8:30 ng gabi kamakalawa nang huling namataang buhay ang biktimang malungkot dahil sa pagbagsak ng kaniyang piggery na pinaglaanan ng malaking halaga.
Wala naman nakikitang foul play ang pulisya sa magpapakamatay ng matanda. (Cristina Timbang)