Suspek sa rape slay sumuko

CAVITE – Pinaniniwa­laang inusig ng budhi kaya sumuko kahapon sa mga awtoridad ang isang mister na sinasabing hu­ma­lay at puma­tay sa isang 17-anyos na babae sa Dasma­riñas, Cavite.

Kinilala ng hepe ng pulisya sa Dasmariñas na si P/Supt. Mar­cos Estrada Badilla, ang sus­­pek na si Roel Anzano, pin­san ng biktimang si Elaine Guyamin ng Sitio Humayao sa Brgy Langkaan.

Base sa pagsisiyasat ni SPO1 Valero Bueno, huling na­ mataang buhay ang biktima na maghahatid ng pera sa kan­yang lola sa nabanggit na ba­rangay hanggang sa matag­puan ang bangkay nito sa plan­tasyon ng tubo sa ma­damong bahagi ng Sitio Bui­san sa ba­yan ng Dasmariñas.

Napag-alaman din na su­ma­ma pa ang suspek sa pag­haha­nap sa biktima bago umuwi sa ka­­nilang lalawigan sa Nueva Ecija.

Nabatid din na napansin ang pagiging balisa ng suspek na kinakitaan ng kanyang misis na may mga kalmot sa katawan.

May teorya ang pulisya na sinurot ng budhi ang suspek kaya sumuko para harapin ang hustisya. Cristina Timbang

Show comments