Pulis inutas sa away-trapik

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 44-anyos na pu­lis ang iniulat na napatay ma­ka­raang pagbabarilin ng dala­wang lalaki na nakasagi sa kan­yang mini-bus sa Soriano Highway sa Brgy. San Roque, Naic, Cavite kamakalawa ng gabi.

Si PO3 Cesar Perillo ng Villa Apolonia Subd. sa Brgy. Ibayo Silangan, Naic ay naki­pagtalo sa mga suspek na sina Ronnie Madlangbayan at Lito Claros matapos masagi ang pag-aaring mini-bus (DXE224) na minamaneho ni Virgilio Alba­ rico.

Ayon kay P/Chief Insp. Ru­ben Lacuesta, hepe ng Naic PNP, nang malaman ng bik­tima ang nangyari, agad itong tu­mungo sa nasabing lugar at ki­nompronta ang dalawa hang­gang sa mauwi sa pama­maril ng dalawang suspek na kapwa naninirahan sa Brgy. Pinag­sa­ngahan, Maragondon, Cavite.

Kaagad na tumakas ang mga suspek na sakay ng To­yota Corolla (PEH 601) ha­bang ang biktima ay idinekla­rang patay sa San Lorenzo Ruiz Hos­pital. Arnell Ozaeta at Cristina Timbang

Show comments