Piskal nilait, sinampal ng akusado

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nahaharap nga­yon sa patung-patong na kasong kriminal ang isang 42-anyos na babaeng aku­sado makaraang manam­pal ng piskal sa kalagitnaan ng preliminary investigation sa Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Rod­ney Ramirez, hepe ng Sta. Rosa City PNP, ang suspek na si Olimpia Tiongco ng Barangay Macabling, Sta. Rosa City, Laguna.

Base sa mga doku­men­to ng nakalap ng PS­NGAYON, nahaharap sa 2 counts ng kasong direct assault upon agent in authority, 2 counts of grave threat at dalawang ulit na oral defamation si Tiongco matapos sampalin nito si Sta. Rosa City Prosecutor Oscar Co, 42, ng Barangay Kanluran, Sta. Rosa City.

Sa salaysay ni Fiscal Co, bandang alas-11 ng uma­ga nang nagsasagawa sila ng preliminary investigation nang bigla na lang si­yang kumprontahin at sabihang – “patatanggalan kita ng lisensya at isusum­bong sa Supreme Court! Anay ka sa Lipunan! Nag­luluto ng kaso! Bulok ka!” 

Nang sumagot naman si Fiscal Co na magpakita ng ebi­densya kaugnay sa kan­yang akusasyon, muli siyang sinigawan ni Tiong­co ng - “tarantado kang fiscal ka! kami ang nagpapa­swel­do sa inyo! humanda ka ta­pos na ang araw mo!” sabay sampal ng dalawang beses sa pisngi ng nasabing piskal.

Kaagad naman nag­sam­pa ng pormal na re­k­lamo si Fiscal Co sa him­pi­lan ng pulisya sa Sta. Rosa City at tumayong testigo si PO1 Jose Farol at apat na kawani ng City Prosecutors Office.

Kasalukuyang nakapiit na sa himpilan ng pulisya sa Sta. Rosa si Tiongco para harapin ang kasong isi­nam­pa laban dito.

Show comments