Municipal councilor itinumba

MALOLOS CITY, Bula­can – Nabahiran ng kara­hasan ang idinaraos na Singkaban Festival maka­raang pagbabarilin hang­gang sa mapatay ang isang municipal councilor sa bisinidad ng Barangay Tibag, Baliuag, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Councilor Fidel Nacion, 38, ng Ba­rangay Poblacion sa bayan ng San Rafael.

Si Nacion ay ikatlong pulitikong napaslang sa Bulacan mula noong Mayo kung saan naunang pina­tay si dating Calumpit Ma­yor Ramon Pagdanganan at sinundan naman ni da­ting Apalit Mayor Tirso Lacani­lao sa bayan ng Calumpit noong Hulyo 31.

Sa tala ng pulisya, si Na­cion na isang inhinyero bago pumalaot sa pulitika ay pi­nag­babaril ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan habang nakaupo sa loob ng kanyang Honda CRV (ZDT 766) na nakapa­rada sa kahabaan ng Caga­yan Valley Road noong Mar­tes ng gabi.

Namatay noon din si Nacion, samantalang na­ka­re­ kober ang pulisya ng anim na basyong bala mula sa M-16 assault rifle sa crime scene.

Napag-alamang ka­ta­tapos lamang magpraktis ni Nacion ng bowling ka­sama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamamumuno ni Vice Mayor Rino Castro ng ma­ganap ang pamamaslang.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng M16 assault rifle ha­bang patuloy naman ang imbesti­gasyon.

Show comments