2 dedo sa araro ng jeepney

BATAAN – Biglaan ang sa­lubong ni kamatayan laban sa isang 62-anyos na lola at kausap nitong misis maka­raang masal­pok ng pampa­sa­herong jeepney habang na­katayo sa tinda­han sa Ba­rangay Rizal, Pilar, Bataan kama­kalawa.

Naisugod pa sa St. Joseph Hospital sa Ba­langa City, subalit idinekla­rang patay sina Carmelita Lin­tag, at Gesselet Laniosa, 27.

Sa police report, lumi­litaw na nag­papahangin lamang ang ma­tanda sa maliit na tin­dahang pag-aari ni Ma­xima Gaño ha­bang nakiki­pag­ku­wen­tuhan kay La­nio­sa nang ma­hagip ng jeep­ney (CWU985) mula Ma­ri­veles na minamaneho ni Ma­nuel Men­doza.

Na­pag-ala­mang nawa­lan ng preno ang sasakyan kaya nagtu­luy-tuloy sa kina­roroonan ng da­lawa. Agad naman pi­nalaya ng pu­lisya si Men­doza mata­pos ang amicable. (Jonie Capalaran)

Show comments