Lady announcer nalibing sa landslide

Isang lady announcer ang iniulat kahapon ng Office of Civil Defense (OCD) na ka­ bi­lang sa 13-katao na kum­pirmadong nasawi  na nakuha na ang mga bang­kay habang marami pa ang nawawala sa dalawang insidente ng landslide sa Ba­rangay Masara, Maco noong Sabado ng ha­pon at kamaka­lawa sa Com­pos­tela Valley. 

Ayon sa ulat, si Kiketh An­quera, 18, kasama ang kan­yang ama na si Brgy. Chairman Jovencio An­quera at tatlong kapatid ay kabilang sa nalibing ng buhay.

Napag-alamang si Ki­keth ay nakilala sa pro­grama sa Radyo Ukay-Ta­gum City sa Davao del Sur dahil sa kan­ yang pang-umagang pag­hahatid ng showbiz balita at working student ng University of Min­danao na may ambis­yong ma­ka­pagtapos sa kur­song Bachelor of Science in Accounting.

Inihayag ni Major Ar­mand Rico, regional spokes­man ng AFP, naga­nap ang unang landslide dakong alas-3:30  ng ha­pon noong Sabado sa Brgy. Masara na nasundan ng isa pang trahedya ban­dang alas-3 ng madaling-araw noong Linggo.

Samantala, nagmistu­lang libingan ang Brgy. Ma­sara  ma­tapos na magsili­kas ang mga residente dahil sa pa­ngambang ma­ulit pa ang landslide bun­sod ng patuloy na pag-ulan.

Umaabot naman sa 72-kabahayan ang nawasak at lima pa ang nagtamo rin ng pinsala habang naitala rin ang mas maraming na­ging biktima ng landslide kabi­lang ang mga survivor  sa trahedya kung saan uma­abot sa 50 bahay ang nata­bunan ng lupa. (Joy Cantos)

Show comments