Mag-utol nagpatayan

CAVITE – Pinaniniwalaang bawal na droga at ar­mas ang isa sa motibo kaya nagbarilan ang mag-utol na lalaki na ikinasawi ng isa sa naganap na pa­nibagong karahasan sa Barangay Talaba 1, Bacoor, Cavite kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Mario Reyes, ang nasawi na si Arturo “Junpo” Ocam­po, 41; habang kritikal naman si Dennis “Batman” Ocam­po, 36, kapwa residente ng Ocampo Compound ng nabanggit na barangay. Napag-alamang nagtalo at nagkairingan ang magkapatid hanggang sa mauwi sa madugong barilan. Ayon kina PO3 Clarence Erese at PO2 Romar Sinnung, nakum­piskahan ang mag-utol ng mga baril at bala. Napag-alamang naaresto na ang mag-utol dahil sa pag-iingat ng mga baril at bawal na gamot may ilang taon na ang nakalipas. – Cristina Timbang

Show comments