OIC ng TESDA itinumba

Isang opisyal ng Technical Education and Skilled Development Authority ang binaril nang malapitan at napatay sa harapan ng tanggapan ng TESDA sa Barangay San Ro­que, Zamboanga City kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Arnold Pimentel, nasa hus­tong gulang, Officer in Charge ng Office Administration Training Center ng TESDA.

Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng kani­yang ulo.

Ayon sa imbestigasyon, nakatayo at nakikipag-usap sa isang babae sa harapan ng tanggapan ng TESDA si Pimentel nang biglang su­mulpot ang salarin na sakay ng isang motorsiklong wa­lang plaka.

Pagtapat ng suspek sa bik­ tima ay bigla na lamang pinagbabaril ng una ang huli bago tumakas. (Joy Cantos)

Show comments