‘Bawal dumura’ sa Isabela

ILAGAN, Isabela – Upang mapigilan ang pag­kalat ng sakit tulad ng tuberculosis, ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ng Ilagan, Isabela ang pag­dura sa pampublikong lugar.

Ito ang ordinansang ipi­nasa ng town council na ipinagbabawal na dumura sa mga pampublikong lugar tulad ng eskuwelahan, terminal ng pampasaherong sasakyan, pamilihang ba­yan, simbahan at mga restaurant.

Ayon kay Councilor Mar­garette Chin, ang anti-spitting ordinance ay pina­nukala para mapigilan ang pagkalat ng anumang na­kahahawang sakit mula sa dura.

“Aside of being an eyesore and unsanitary, spitting may also caused the spread of communicable diseases like tuberculosis. (the ordinance aims) to prevent people spitting all over the place which is not only an eyesore but also unhealthy,” paliwanag ni Chin.

Kasalukuyang nagsasa­gawa ng  massive information and awareness campaign ang lokal na pama­halaan sa pamumuno ni Mayor Jose Marie Diaz para maipaabot sa mga re­siderte ang kauna-unahang ordi­nansa ng isa sa pi­naka­malaking munisi­pa­lidad sa North Luzon.

Iniatang naman sa ka­pulisan at civilian marshals ang pagpapatupad ng na­sabing ordinansa sa may 80 barangay at  si­numang lumabag ay pa­patawan ng P50 multa kada paglabag.

Sinuportahan naman ng mga residente ang kaka­ibang ordinansa sa ka­nilang bayan upang lalong maka­akit sa turismo  at mga negos­yante. Charlie Lagasca

Show comments