2 NPA dedo sa bakbakan

Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Dalawang hinihi­nalang miyembro ng New People’s Army ang napatay samantalang sugatan naman ang isang sundalo matapos maganap ang isang engkuwentro sa Barangay Talingling, Ca­lauag, Quezon kahapon ng umaga. Kinilala ni Army Captain Lea Santiago, public information officer ng Southern Tagalog Com­mand, ang sugatang sundalo na si Private First Class (PFC) Jerwin Mosqueta, miyembro ng 74th Infantry Brigade ng Philippine Army. Hindi pa rin nakikilala ang dalawang rebelde na napa­tay sa sagupaan na tumagal ng apat na oras. (Arnell Ozaeta)

Show comments