BATAAN – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magkaibigang lalaki makaraang masalpok ng trak na may lulang mga tanke ng liquefied petroleum gas (LPG) ang sinasakyang motorsiklo ng dalawa sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Sitio Carbon, Barangay Lamao sa bayan ng Limay, Bataan kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PO1 Melchor Osebias, hindi na umabot ng buhay sa Bataan General Hospital sina Fernando Nayanka ng Reyes Subd. Barangay Reformista at Norberto Orsais ng St. Francis-1.
Pormal naman kakasuhan ng pulisya ang drayber ng trak (NUW-883) na si Delima Wahing ng San Jose, San Miguel, Bulacan. (Jonie Capalaran)