11 guwardiya ng prov’l  jail sinibak

KORONADAL CITY – Pinatalsik kahapon ni South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes ang 11 guwardiya ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center dahil sa akusasyon ng katiwalian at abuse of authority.

Ito ang naging de­sisyon na inilabas ng gober­nadora makaraang nakiisa ang mga ito sa sigaw ng mga bilanggo na paalisin sa pwesto si South Co­tabato Jail Warden Nilo Sintin.

Napag-alaman na pi­natalsik ni Fuentes ang mga guwardiyang nakata­laga sa Provincial Security Jail upang palitan ng mga guwardiya mula sa Provincial Security Unit.

Nagsimulang mag­sa­gawa ng kilos protesta sa loob ng kanilang mga selda ang may 950 na mga preso ng provincial jail laban sa kanilang warden  sanhi  ng  kurapsyon at abuse of authority. (Boyet Jubelag)

Show comments