Isang arsobispo ang hinoldap at natangayan ng cellphone habang papunta siya sa isang simbahan sa Ozamis City kahapon ng madaling-araw.
Sinabi ni Ozamis Archbishop Jesus A. Dosado na naglalakad siya patungo sa Immaculate Concepcion Cathedral dakong alas-5:30 ng madaling-araw kahapon nang isang lalakeng nakamotorsiklo ang huminto sa kanyang harapan bago siya hinoldap.
Hindi nanlaban ang arsobispo at kaagad na ibinigay ang kanyang cellphone at wallet na may lamang P3,200 at driver’s license.
Hindi na rin naman umano isinumbong ng arsobispo sa mga awtoridad ang pangyayari at sa halip ay nagtungo na lamang sa cathedral upang ipagdasal ang holdaper.
Posible naman aniyang hindi alam ng suspek na isa siyang alagad ng simbahan dahil hindi naman siya nakasuot ng abito. (Doris Franche)