CAVITE – Kalalaya lang mula sa kulungan ng 39 anyos na mister na si Carlito Dua, nang pagbabarilin at mapatay siya ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad siya sa Barangay Burol 3, Dasmariñas, ng lalawigang ito kahapon ng umaga.
Nakalaya si Dua sa pamamagitan ng piyansa kaugnay ng kinasasangkutan niyang mga kaso. (Cristina Timbang)