Kalaboso ang binagsakan ng isang biyudong ama matapos nitong mabuntis ang isa sa dalawa nitong anak na dalagita na ginawang sex slave sa loob ng mahigit isang taon sa bayan ng Enrique B. Maga lona, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.
Nahaharap ngayon sa kasong multiple rape ang suspek na si Loreto Malihoc, 36, ng Sitio Bantud, Brgy. III ng nabanggit na bayan.
Batay sa police report na isinumite sa Camp Crame, nabuking ang krimen ng kanilang guro ng magpasailalim sa pregnancy test ang isa sa dalawang biktima na may edad 12 at 14-anyos.
Dito na napilitang usisain ng guro ang bata na lumuluhang nagtapat sa ginawa ng kanilang ama matapos na mamatay ang kanilang ina may ilang taon na ang nakalipas.
Matapos namang mag positibo ang resulta ng pregnancy test agad na nakipag-ugnayan ang guro sa EB Magalona Police Women and Children’s Concern Desk at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni P/Chief Inspector Samuel Mina, nasakote ang suspek. Joy Cantos