Magtiyuhin itinumba

RIZAL – Karit ni ka­matayan ang sumalu­bong sa magtiyuhin makaraang pagbaba­rilin ng mga ‘di-pa kila­lang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Ba­rangay Hulo sa bayan ng Pililla, Rizal kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Ronnie Masaya, 39, jeepney drayber at John Mark Angeles, 23, kapwa na­ninirahan sa ML Que­zon Street ng nabanggit na barangay.

Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Ramon Gabat, hepe ng Pililla PNP, magkasamang nano­nood ng telebisyon ang mga biktima nang pa­sukin at ratratin ng  mga armadong kalala­kihan. Edwin Balasa

Show comments