Operasyon ng Hanjin muling pinatigil

SUBIC, Zambales  – Mu­ling ipinahinto ng Subic Bay Me­tropolitan Authority (SBMA) ang operasyon ng Hanjin Heavy Industries Corp. matapos ang pinaka­huling sakuna na ikinasawi ng isang manggagawa noong Sabado.

Ang panibagong cease and desist order na ipina­la­bas ni Atty. Ramon Agre­ga­do, SBMA senior deputy administrator for support services, inatasan ang Hanjin na pansamantalang itigil ang operasyon ng bahagi ng Assembly C sa loob ng 7-araw kung saan naganap ang pina­kahuling aksidente.

Sa ulat na nakalap ng PSNgayon, naganap ang ak­sidente noong Sabado kung saan namatay ang sub­contractor na si Benjie Ga­molo, 31, ng Tatalon. Quezon City, matapos tamaan ng steel beam na karga ng crane.

Nabatid kay Agregado na ang pagkamatay ni Gamolo ay naglalagay sa kuwesti­yunable ang occupational safety and health rules and regulations ng Hanjin’s $1.6-billion shipyard na naitalang aabot sa na sa 13 mangga­gawa na ang napaulat na namatay simula noong 2006.

Sinabi pa ni Agregado na habang ipinatutupad ang suspensyon ay mag­sasa­gawa naman ang SBMA at ibat-ibang ahen­sya ng gob­yerno ng kom­prehensibong inspeksyon upang matukoy kung ligtas sa mga traba­hador ang HHIC-Phil Inc.’s Assembly Shop C bago tu­lu­yang pa­yagang makapag-operate muli. (Alex Galang)

Show comments