Tenga ng bata tinapyas sa gutom

Pinaniniwalaang matin­ding gutom ang isa sa motibo kaya tinapyasan ng tenga ang isang 8-anyos na batang lalaki ng kan­i­yang amaing magsasaka sa Barangay Pagbahanan sa bayan ng Marihatag, Su­rigao del Sur  noong Bi­yer­nes, ayon sa ulat ka­hapon.

Ang biktimang itinago sa pangalang Gerald, anak ni  Dominga Olayon Sarte  sa una nitong asawa ay ka­salukuyang nilalapatan ng lunas habang tugis na­man ng pulisya ang mag­sasa­kang suspek na si Ale­jandro Rivas, 44. 

Batay sa police report na isinumite sa Camp Cra­me, pasado alas-12 ng tang­hali nang umuwi ang suspek na nag-araro sa ka­nilang palayan para ku­main ng tanghalian.

Gayon pa man, nang buk­san nito ang kaldero ay walang sinaing kaya k­i­nom­pronta ang mag-ina at sumagot naman ang bata na hindi sila nakapagsaing dahil walang pambili ng bigas.

Bunga nito ay nag-init ang ulo ni Rivas na nanga­ngatal sa gutom at pinanini­walaang nagdilim ang pa­ningin kaya kinuha nito ang matalim na itak saka si­nung­gaban ang bata saka tinapyas ang tenga nito.

Nabatid na ang bata ay hindi nag-aaral bunga ng kahirapan ng pamumuhay at sa mura nitong edad ay natutong magbanat ng buto at pinagkakatiwalaan sa maraming gawain sa kanilang tahanan.

Show comments