Rapist takot makulong, nag-suicide

Pinaniniwalaang natakot makulong ng habambuhay kaya nag-suicide ang isang ama na inireklamo ng kasong rape ng kanyang 14-anyos na anak sa bayan ng Medina, Mi­sa­mis Oriental kamakalawa.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, uminom ng pesticide si Fe­derico Ladesma, 40, sa loob ng kubo sa sinasakang bukid

Sa ulat ni PO3 Dante Catase ng Gongoog City PNP, nagtungo ang mga alagad ng batas sa kinaroro­onan ni Ladesma upang arestuhin ito sa reklamo ng kanyang anak na itinago sa pangalang Sandra.

Gayon pa man, natag­puan nila si Ladesma na bu­mubula ang bibig at naka­han­dusay sa  sahig kaya di­nala ito sa os­­pital subalit hin­­di na  uma­bot ng buhay.

Si Ladesna ay isinuplong  ng biktima sa school principal  hinggil sa  pangga­ga­hasa nito sa kanya kasama ang kanyang tiyuhin na  si Pa­cencio.

Dahil dito, agad namang humingi ng tulong ang principal sa mga pulis kaya na­aresto si Pacencio ha­bang bigo naman maares­to ng bu­hay ang ama ng biktima. Joy Cantos

Show comments