2 karnaper nalambat

KIDAPAWAN CITY – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang sang­kot sa serye ng car­napping sa isi­na­gawang operasyon sa bayan ng Carmen, North Cotabato kama­kalawa.

Pormal na kina­su­han ni P/Senior Supt. Lester Camba, provincial police director, ang mga sus­pek na sina Tons Aban Ebra­ him, 22, ng Ba­rangay Ka­yaga, Kaba­can; at Allan Guiamelon Sa­ga­dan, 22, ng Ba­rangay Kiba­yao, Car­men.

Ang dalawa ay na­aresto matapos tanga­yin ang motorsiklo ni Bryan Sevilla na nag­paparada ng kanyang motorsiklo sa public market noong Lunes ng gabi (July 7). 

Tinutukan ng baril ang biktima ng dalawa saka tinangay ang mo­torsiklo. 

Nagkataon namang nagpapatrolya ang ilang pulis at namataan ang nagaganap na kri­men hanggang sa ma­korner ang mga sus­pek na na­ kumpis­ka­han ng dala­wang baril.

Sa tala ng pulisya, aabot sa 10 motorsiklo ang nawawala na pina­ni­niwalaang tinangay ng sindikato. Malu Cade­lina Manar

Show comments