NPA attack: 20 baril ng PNP tinangay

Aabot sa 20 malalakas na kalibre ng baril ang iniulat na tinangay ng mga re­beldeng New People’s Army (NPA) makaraang salakayin ang  himpilan ng pulisya sa bayan ng Ba­nay-Banay sa Davao Oriental kahapon ng umaga.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 11 director Chief Supt. Andres Caro II, na­ganap ang pag-atake da­kong  alas-8:45 ng umaga.

Kinilala ang nasugatang pulis na si PO3 Abdul­hasser Persian na tina­maan ng bala sa kaniyang hita.

Sa pahayag naman ni Army Spokesman Lt. Col. Romeo Brawner Jr., ang umatakeng mga rebelde na nagpanggap na mga ak­tibista ay lulan ng tatlong trak at isang van ay pi­namu­mu­nuan ni Danilo Nodalo, alyas Commander Benjie.

Nabatid na sumisigaw pa ang mga rebeldeng nagkun­waring mga raliyista habang bitbit ang kanilang mga pla­cards para ma­ka­lapit sa na­sabing himpilan.

Kasalukuyan namang abala ang mga kawani sa mu­nisipyo malapit lamang sa nasabing himpilan sa kani­lang fellowship nang maga­nap ang pag-atake.

Agad pinaputukan ng mga rebelde ang nasabing himpilan saka dinisar­ma­han ang limang pulis na naka-duty dito.

Kabilang sa 20 baril na na­tangay ng mga rebelde ay ang anim na M16 rifles, dalawang 9mm pistols at cal. 22 revolver.

Sinabi ni Brawner na ang mga rebelde ay nagsi­takas lulan ng nasabing mga behi­ kulo patungo sa direksyon ng  Mahayag at Banay-Ba­nay ng nasabing lalawigan.

Kaugnay nito, naglun­sad na ng hot pursuit operations ang mga elemento ng pulisya at militar laban sa umatakeng rebelde. Joy Cantos

Show comments