Mag-ina kinatay ng pamangkin

CAMARINES NOR­TE – Pinagtataga hang­gang sa mapatay ang mag-inang matanda ng kanilang pamangking lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Purok 1, Barangay Calabasa sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Animo’y kinatay na ba­boy nang matagpuan ang mga katawan nina Brigida Sayno, 80, bi­yuda; at anak na si Lo­renza Sayno, 32. Ka­ la­boso naman at por­mal na kinasuhan ang sus­pek na si Darwin Mar­tirez, 28, ng Purok 4 ng nasabing ba­rangay.

Ayon kay SPO4 Joseph Valeros, chief investigator ng pulisya, lumalabas na lango sa alak ang suspek nang pumasok sa bahay ng mag-ina.

Napag-alamang hi­na­lay muna ng suspek si Lorenza at nang ma­datnan ng matandang Brigada ay pinagtataga ang mag-ina. Inamin ng suspek na nangulila siya sa asawa na nag­tungo sa Negros kaya nagawa niyang halayin ang sariling tiyahin. Francis Elevado

Show comments