Lovemaking sa eskuwelahan

Bagsak kalaboso ang isang call boy at partner nitong bading matapos na maaktuhang nagtatalik sa loob mismo ng isang pa­ara­lan sa Dagupan City, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Moiser Arellano, 24 anyos,  at 19-anyos na call boy na itinago sa panga­lang Allan.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, ang dalawa ay nahuling nagtatalik sa bakuran ng West Central 1 Elementary School sa naturang lung­sod.

Nagroronda ang ba­rangay tanod na si Rustom Mamaril sa paligid ng paaralan nang maulinigan niya ang kakaibang ungol ng dalawang lalaki.

Dala ng kuryosidad ay tinungo ni Mamaril ang pinanggagalingan ng tunog at dito nga ay huling-huli niya ang dalawa sa malas­wang posisyon habang nagtatalik.

Dali-daling sinita ni Ma­ma­ril ang dalawa at dinala sa himpilan ng pulisya kung saan napag-alaman na ka­p­wa lango sa alak ang mga ito.

Sa kasalukuyan,ang dalawa ay sinampahan na ng kasong public scandal sa piskalya ng  lalawigan.

Show comments