Dyipni sumemplang; 1 patay, 20 sugatan

CEBU – Isa ang patay habang 20 iba pa ang sugatan na karamihan ay kababaihang kawani ng isang pabrika sa Danao City makaraang sumem­plang ang pampasaherong jeepney saka sumalpok sa isang motorisklo sa highway na sakop ng Sitio Gui­wanon, Barangay Pobla­cion sa bayan ng Com­postela, Cebu kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni SP01 Silas Seballo, ang namatay na si Joseph Batican, 31, ng Danao City na kasama ang ka-live-in partner na si Carina Quiros sa minamaneho nitong motorsiklo.

Ayon kay SP01 Seballo, pumutok ang unahang gu­long ng jeepney ni Nilo Matugas kaya’t nawalan ng kontrol bago nagpagulung-gulong at inararo ang ka­salubong na motorsiklong sinasakyan nina Batican at Quiros.

Maliban sa dalawa, na­damay din ang bisekleta ni Edgardo Barrole na noon ay nakasunod sa motor­siklo ni Batican.

Kabilang sa mga suga­tan na naisugod sa Danao City District Hospital at ibat-ibang pagamutan sa Cebu City ay sina si Jerame Na­lasa, 19; Rita Fe Baladjay, 18; Glory Panal, 18; Ca­therine Can­ tiado, 22; Te­rene Lungayan, 22; Mer­linda Ruiz, 19; Monet Ra­mos, 21; Marilyn  Matu­gas; Anecito Andrade, 21; Ber­nadeth Pariola, 21; Cristie Añora, 23; Victoria La­bador, 35; Maricel Caba­luna, Ryan Martel, Leodisa Dungog, Melanie Sem­blante, Joana Peñaflor, Elioterio Gonzales at si Ronel Brigole. Edwin Ian Melecio

Show comments