2 suspek sa murder, tiklo

OLONGAPO CITY — Dalawang kalalakihan na isina­sang­kot sa kasong murder ang dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa mag­kahiwalay na ope­rasyon sa Zambales kama­kalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Richard Paradezo ng Olon­gapo City Regional Trial Court Branch 72, inaresto ang mga suspek na sina Rogelio Elago, 29, ka­wa­ni ng Hanjin Phil., resi­dente ng Barangay Bar­reto at Anthony Llado, 33, ng Barangay Bajac-Bajac. Sa ulat ng hepe ng CIDG sa Zambales na si P/Supt. Maristelo Ma­nalo, ang da­lawa ay sang­kot sa pag­pa­tay sa bikti­mang si Fer­nando Petilo may tatlong taon na ang na­kalipas. Si Elago ay na­korner sa na­sabing kom­panya ha­bang si Llado na­man ay nadakip sa Ba­rangay Gordon Height, Olon­gapo City. Alex Galang

Show comments