Tinedyer dedo sa shotgun

CAVITE – Isang tinedyer na lalaki ang iniulat na nasawi makaraang mabaril habang nagbibisikleta sa kal­sadang sakop ng Barangay San Esteban, Das­mariñas, Cavite kamakalawa.

Nasapol ng bala ng shotgun si Raphael Molines, 15, ng Barangay Datu Esmael. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Arnold “Nognog” Bautista, 23, ng Block 1 Lot 15 Barangay Sta. Lucia.

Sa imbestigasyon ni PO1 Marvin Causaren, lumi­litaw na tinarget ng suspek ang nakaalitang si Ricky Peñaflor, subalit hindi tinamaan ng bala ng shotgun bagkus ang biktimang nagkataong napadaan lamang. (Cristina Timbang)

Show comments