6 ‘Akyat-bahay’ tiklo

BALANGA CITY, Bataan – Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng grupong “Akyat-Bahay” ang nasakote ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Bataan kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan habang nakakulong ay sina Redentor Salenga, 47; Wilfredo Lingad, 47; Jose Aries, 33; Eduardo Bunsoy, 51; Mario Esconde, at si Dominador Cruz, 36, ng San Isidro Dina­lupihan, Bataan. Ayon sa ulat ni P/Senior Supt. Manuel Gaerlan, naging biktima ng mga suspek sina Bonifacia Cruz, 43; Rosali Roncal, 36; at Gertrudes Banda, 52. Sina Cruz at Roncal ay nilooban ng mga suspek saka tinangay ang malaking halaga, samantalang si Banda ay winasak naman ang kanyang Delica van saka tinangay ang mga personal na gamit at malaking halaga. Jonie Capalaran

Show comments