Labinlimang bata ang iniulat na naospital makaraang malason sa kinaing bunga ng tuba-tuba sa Barangay Mati, Digos City, Davao del Sur kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, magkakasamang naglalaro ang mga bata nang mamataan ni Giselle Ann Batoon, 12, ang puno na hitik na hitik sa bunga ng tuba-tuba. Sa pag-aakalang prutas, pumitas ng bunga ng tuba-tuba si Batoon at tinikman nito at ipinamigay niya sa mga kalaro. Gayunman, ilang minuto matapos na kumain ng tuba-tuba ay nakaramdam ng pananakit ng katawan ang mga bata hanggang sa isugod sa ospital. Pito sa mga bata ay nakalabas na sa Davao del Sur Provincial Hospital habang siyam pa ang patuloy na nagpapagaling. Joy Cantos