Napatay ang lider ng notoryus na robbery gang na inaresto ng mga awtoridad makaraang mang-agaw ng baril sa dalawang escort na pulis sa Bolton Bridge, Bolton, Davao City kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Bernardo “Jun Muslim” Radaño, 29, founding leader ng kilabot na Chigo gang. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naaresto ang suspek sa bayan ng Maramag, Bukidnon at dadalhin sana sa Davao City Jail lulan ng Mobile Patrol 50 na minamaneho ni PO3 Tagoy. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinangkang agawin ni Jun Muslim ang baril ng isa sa escort nito na si SPO1 Bactol kaya napaslang. Joy Cantos 2 magsasaka nilikida
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dinukot saka pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang magsasaka ng mga rebeldeng New People’s Army sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Comagingking, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril sina Pascual Cornelio Jr., 48 at Cadang De Jesus, 50, kapwa may asawa at mga residente ng Barangay Harubay sa nabanggit na bayan. Ang dalawa ay dinukot ng grupo ni Bongbong Rodriguez sa kani-kanilang tahanan habang naghahapunan. Ed Casulla
Nang-agaw ng baril tinodas
CAVITE – Isang 27-anyos na lalaki na may kasong kriminal ang iniulat na nabaril at napatay ng isang pulis sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Raffy Dizon ng Brgy San Nicolas 1, Dasmariñas, Cavite. Ayon kay PO3 Edgar Belza, isinasailalim sa interogation ang suspek nang biglang mang-agaw ng baril ni PO1 Royce Dumag. Nagpambuno ang dalawa sa pag-aagawan ng baril subalit napuruhan ng baril ni PO1 Allan Villanueva. Joy Cantos
2 trader na dinukot, pinalaya
Pinalaya na ang magkaibigang negosyanteng Koreano at Tsinoy na kinidnap noong Abril sa bahagi ng Region 10. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jon Tae Jeung, Koreano at ang Tsinoy na si Victor Macasera. Sa inisyal na ulat na nakara ting sa Camp Crame, sina Jeung at Macasera ay pinalaya sa bahagi ng kapitolyo ng Lanao del Sur kamakalawa ng hapon. Ang pagpapalaya sa dalawa ay bunsod ng negosasyon na isinagawa ng Joint Crisis Committee sa pamumuno ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong. Ayon sa ulat, walang kapalit na ransom money ang pagpapalaya sa mga biktima. Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa negosyo ang pagdukot sa mga biktima. Joy Cantos