CAVITE – Magdiriwang ng ikaapat na Kalayaan Festival ang lalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Governor Ayong Maliksi sa Mayo 28 hanggang June 12. Kabilang sa mga okasyong masasaksihan sa unang araw ng pagdiriwang ay ang pagwawagayway ng bandila sa Aguinaldo Highway simula alas-4 ng hapon sa SM Bacoor hanggang SM Dasmariñas na lalahukan ng 8,000 residente. Sa May 29 - June 11, itatanghal sa tatlong SM mall sa Cavite ang Sangguniang Kabataan Federation at sa pagtatapos ng Kalayaan Festival sa June 12, masasaksihan ang pagsasabuhay ng deklarasyon ng kalayaan sa Gen. Aguinaldo Shrine sa Kawit kung saan susundan ng parada ng 23 bayan at lungsod sa kanilang streetdance exhibition.