P20M isda nalason

BULACAN – Tina­ta­yang aabot sa P20 mil­yong halaga ng iba’t ibang uri ng isda ang ini­ulat na nangamatay ma­karaang malason sa ke­mikal na tumagas sa may 200 ektaryang pa­laisdaan sa bayan ng Balagtas, Bulacan si­mula pa noong Biyer­nes. Sinisisi ng mga miyem­bro ng Samahan ng Na­mamalaisdaan sa Balag­tas (SNB) sa pa­mumuno ni Oscar Mad­lang-awa, ang isang pabrika na nag­bu­buga ng nakalala­song kemikal sa gilid ng Ca­lumpang River na nag­tuluy-tuloy sa mga pala­isdaan. “Sandali lang pa­tay yung isda sa palais­daan nang pu­masok ‘yung tubig mula sa ilog,” pahayag ni Mad­lang-awa na inayunan naman nina Rolando Gabriel, Gre­gorio Gon­zalvo, Ri­cardo Martin, at Willie Mendoza. May teorya ang mga miyem­bro ng SNB, na isina­bay ang pagtatapon ng ke­mikal na sinalubong ng high tide sa kasag­sagan ng bagyong “Cosme”. Ka­hit ipa­migay ang mga may-ari ng pa­laisdaan ng mga naglu­tangang isda ay walang tu­manggap sa mga re­sidente sa ta­kot na ma­lason. Dahil dito, nag­pasaklolo na­man ang mga mangi­ngisda kay DENR Sec. Lito Atienza na tugunan ang kanilang proble­ma. Dino Balabo

Show comments