Trike vs bus: 3 utas

PANGASINAN – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi, samantalang anim na iba pa ang nasugatan maka­raang  salpukin ng pampa­saherong bus ang likurang bahagi ng traysikel na si­nasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng pamban­sang lansangang sakop ng Ba­rangay Gonzales sa bayan ng Umingan, Panga­sinan kamakalawa ng ma­daling-araw.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Carlito Ca­riaso, 38, drayber ng tray­sikel; Anthony Feliciano, 16 at si Alberto Esteban, 54, kapwa residente ng Ba­rangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija.

Naisugod naman sa Umingan Medicare Hospital ang mga sugatang sina Pat Gonchita, 50; Gregorio Es­teban, Jr.,13; Arlene Me­driano, 26; Dave Do­mingo, 10; Kristene Me­driano, 4; at si Daryl Do­mingo, 7.

Boluntaryo namang su­muko sa pulisya ang dray­ber ng Rem Bus Liner na si Danilo Sumido, 50, ng Cabagan, Masbate.

Napag-alamang patu­ngong Silangan ang tray­sikel habang ang bus na­man ay patungong Tugue­garao-Isabela nang maga­nap ang sakuna. (Cesar Ramirez)

Show comments