Bebot ninakawan ng puri at cell phone

CAVITE – Sapilitang hina­lay ng isang miyembro ng Akyat Bahay gang ang isang 24-anyos na dalaga sa hara­pan ng pinsan nito. Natulala sa pangyayari ang biktima at pinsan nito matapos gaha­sain at pagnakawan kahapon ng madaling-araw sa Imus, Cavite.

Itinago ang biktima sa pa­ngalang Angelica, 24-anyos, walang trabaho, ng Brgy. Anabu 1- C habang tulala na­man ang pinsan nitong kini­lala sa pangalang Chona.

Natutulog ang magpinsan nang maalimpungatan ang biktima hinggil sa umano’y may naramdaman siyang gumagapang sa kanyang katawan.

Nang dumilat ito ay tu­mambad sa kanya ang isang lalaki at tangka sana niyang sumigaw subalit agad siyang tinutukan ng patalim sa leeg habang nagising din naman agad si Chona subalit tinu­tukan rin ito ng suspek kung kaya natulala ito.

Dito na isinagawa ng sus­pek ang panghahalay sa bik­tima sa harap mismo ng pin­san nito at ng matapos ito ay sinamsam pa nito ang tatlong cell phone ng mga biktima bago tumakas. (Cristina Timbang)

Show comments