Naaresto ng pinagsanib na elemento ng Military Intelligence Unit at Philippine National Police ang isang pinaghihinalaang deputy commander ng New People’s Army (NPA) sa Masbate, kamakalawa.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5, kinilala ang naarestong suspek na si Christian Espenilla alyas Ka Cyrell/ Ka Chris.
Ang suspek ay nasakote dakong sa Freedom Park sa Barangay Bacoor, Masbate City.
Nabatid na si Espenilla ay isang aktibo sa communist movement at tumatayo ito bilang Vice Commanding Officer ng Eron Platoon sa ilalim ng Jose Rapsing Command na nago-operate sa buong lalawigan ng Masbate. (Joy Cantos)