Hapilon sugatan sa enkuwentro

Nasugatan sa strike ope­rations ng militar si Abu Sayyaf Commander Isnilon Hapilon, isa sa mga wanted na lider ng mga bandido, at anak nito sa kagubatan ng Baran­gay Marang, Indanan, Sulu kamakalawa.

Ayon kay AFP-Western Command  Spokesman Major Eugene Batara, nasu­gatan sa kaniyang kamay si Hapilon habang ang anak naman nitong si Tabari ay nasa kritikal na kondisyon sa tinamong matinding tama ng bala sa ulo at sa bahagi ng kaniyang tiyan.

Si Hapilon ay may patong sa ulo na $5 milyon na inilaan ng Estados Uni­dos para sa sinumang ma­kapagbibigay ng impor­masyon para ma-neu­tralisa ito buhay man o patay.

Bukod dito ay isa pang  sniper naman ng mga ban­dido ang kumpirmadong nasawi base sa intelligence report ng tropa ng militar na nagsasa­gawa ng opensiba laban sa mga bandido. (Joy Cantos)

Show comments