Trader dedo sa ambush

CABANATUAN CITY – Isang 43-anyos na negos­yante ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga ‘di-kilalang lalaki sa Maharlika Highway sa Barangay Quezon District sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa.

Idineklarang patay sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital si Cordulio Ascaño y Plaza ng Ba­rangay Macapsing, Rizal, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, sakay ng kotse ang biktima nang harangin at pagba­ba­rilin ng dalawang sakay ng motorsiklo sa panulukan ng YMCA.

May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa ne­gosyo ang motibo ng krimen matapos mabatid na may dalang P.9 milyon ang biktima sa kanyang kotse na hindi naman tina­ngay at naibalik din sa mga naulilang pamilya. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments