2 Army sergeant kinidnap

Dalawang Army sergeant ang iniulat na kinidnap ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army sa liblib na bahagi ng Baran­gay Upper Ulip, Monkayo, Com­postella Valley, kama­kalawa.

Kinilala ni Army’s 10th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Rolando Bautista, ang mga biktimang tinukoy sa mga apelyidong  Staff Sergeant Huberto Corbita ng K- 9 Unit, Charlie Company ng 28th Infantry Battalion at  Staff Sergeant Napoleon Jerasmeo ng 11th Reserve Command.

Batay sa ulat, lulan ng  pam­­pasaherong sasakyan ang mga  biktima nang ha­rangin ng mga re­beldeng grupo ni Commander Lalay ng Guerilla Front Committee 20 ng Southern Mindanao Re­gional Committee (SMRC) na nagsagawa ng checkpoint sa Sitio Ma­batas.

Dahil sa tikas ng tindig ng dalawang sundalo ay naki­lala ito ng mga rebelde na kasapi ng hukbong sanda­tahan kaya tinutukan ng baril at kina­lad­kad pababa sa sasakyan.

Nabatid  na ang mga re­bel­de ay nanghaharang ng mga  sasakyan upang ma­ngo­tong sa mga pasahero, biya­hero at motorista bunga na rin ng dinaranas na gutom sa kabundukan. Joy Cantos

Show comments