Kendi sukli sa puri ni nene

CAVITE – Isang siyam na taong gulang na estud­yanteng babae ang pu­wersahang hinalay ng isang matandang binatang kapitbahay nito matapos na utusang bumili ng kendi bago sapilitang hinatak sa loob ng bahay sa Tagaytay City kamaka­lawa ng gabi.

Umiiyak na nagsum­bong sa pulisya ang ina at ang biktima na itinago sa pangalang Candy, kapwa residente ng Las Brisas Mendez, Crossing, Tagay­tay City habang agad ­naaresto ang suspek na si Roger Ga­viola, 47.

Sa ulat ni P/Supt. William Segun, hepe rito, da­kong alas-6:00 ng gabi, naglalaro sa tapat ng bahay ng suspek ang biktima nang tawagin niya ito at utusang bumili ng kendi at bibigyan din umano niya ang biktima.

Dahil kilala naman ang suspek ay agad na su­munod ang biktima at ng bumalik ay tinawag si Mang Roger ngunit su­magot itong “halika andito ako sa sala” at pagbulaga sa pinto ng biktima ay agad na hinaltak at isinara ang pinto.

Dahil malakas ay hindi nakapanlaban ang bata na agad na tinakpan ang bibig at dali daling isinagawa ang maitim na balak da­hilan upang maagang ma­lugso ang puri ng biktima. (Cristina Timbang)

Show comments