Stude todas sa motorbike crash

LUCENA CITY – Basag ang bungo at namatay ang isang 18-anyos na estudyante habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nakaparadang kotse at traysikel sa Tagarao Street sa Barangay 3, Lucena City kama­kalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Rod Kenneth Revaula, 2nd year College at residente ng Jael Subdivision, Barangay Ilayang Iyam, habang patuloy na ginagamot sina Eric Ilagan, 18 at Michael Manzano, 17.

Ayon kay PO1 Jose Marvin Cruz, officer on case, dakong alas-3 ng madaling-araw nang sumalpok ang motorsiklo (WI-5779) ng mga biktima  habang patungo sa direksyon ng Barangay Iyam. (Tony Sandoval)

Show comments