3 tinodas dahil sa ‘droga’

CAVITE – Tatlong kababaihan ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa Barangay Datu Esmael sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon.

Isa sa tatlong napaslang ay nakilalang si Shiela Rascal, 25, ng Phase 4 Brgy. Paliparan habang gina­ga­mot naman sa ospital si Cora Cesco, 4, Ilang Ilang Street sa nabanggit na barangay.

Sa ulat nina SPO1 Valero Bueno at PO1 Marvin Causaren, magkakasamang nag­lalakad ang mga biktima nang ratratin ng nag-iisang lalaki.

Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kaugnayan sa bawal na droga ang motibo ng krimen. (Cristina Timbang)

Show comments