8 ‘akyat bahay’ arestado

BATAAN – Walong miyembro ng Akyat Bahay Gang ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad makaraang maaktuhang nagnanakaw sa isang panaderya sa Barangay Arellano sa bayan ng Orion, Bataan kamakalawa ng madaling-araw.

Pormal na kinasuhan ni Bataan police director Senior Supt. Manuel Gaerlan, ang mga suspek na sina Michael John Factoran, Delfin Cuevas, Ramir Lovidioro, Dennis Din; Macwinces Gonzales, Ardhel Almazan, Jimmy Asidera, at si Abelardo Din, pawang nakatira sa Barangay Bilolo.

Ayon sa ulat, nasakote ang mga suspek matapos na tumawag ang isang concerned citizen sa himpilan ng pulisya kaugnay sa nagaganap na nakawan sa loob ng Elizabeth Bakery and Grocery Store.

Narekober sa mga suspek ang tatlong baril at ang safety vault na isasakay sana sa traysikel. (Jonie Capalaran)

Show comments