Ninakaw na kotse ng SBMA exec nakuha sa Benguet

OLONGAPO CITY – Nabawi ng pulisya ang isang pick up truck ng isang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority na kinarnap kamakalawa ng umaga sa Barangay Pundaquit, San Antonio Zambales.

Ang pulang Ford Ranger pick up na may plakang CRF-994 ay pag-aari ni SBMA Ecology Center Manager Ameth dela Llana-Koval.

Ayon kay Beguet Provincial Police Director Police Senior Supt. Danilo Pedisco, nakuha ang sasakyan sa Ampucayo, Benguet dakong alas-9:30 kahapon mula sa isang Richard Jangco. (Alex Galang)

Show comments