Special child nalitson

Cebu City – Isang 17-anyos na special child ang nalitson nang buhay matapos na lamunin ng apoy ang ka­nilang bahay sa bukiring ba­rangay ng Sitio Libas sa Bonbon, Cebu City, Cebu noong Biyernes ng hapon habang ito ay iniwan ng mga magulang.

Kinilala ni SFO2 Alicasim Espinola ang biktima na si Radegundo Villarobe, Jr. na sinasabing may diperensya sa isip at kinakailangang ikulong ng mga magulang sa balko­nahe ng kanilang bahay kapag walang kasambahay na mag­babantay sa kanya.

Ayon kay Espinola ay na­iwang mag-isa ang biktima dahil may pinuntahang mang­gagamot ang kanyang mga magulang sa Banawa, Ba­rangay Guadalupe, Cebu City at iniwan lang muna ito sa pangangalaga ng kanyang bayaw na si Jefferson Mabatid. (Edwin Ian Melecio)

Show comments