Binata dedo sa bolitas

Naging mitsa ng kama­tayan ng isang 22-anyos na binata ang paglalagay niya ng tatlong bolitas sa kan­yang ari matapos na ma-tetano sa Hinoba-an, Ne­gros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Kamakalawa ay tuluyan nang binawian ng buhay ang biktimang si Winnie Hapole, residente ng Ba­rangay. Ba­cuyangan sa  Hinoba-an.

Batay sa report, mahigit isang linggo matapos na mag­lagay ng bolitas sa ka­niyang ari ang biktima maka­raang buyuhin ng kaniyang mga kaibigan ay namaga ito nang todo at lumaki.

Noong una ay nahihiya pa umano ang biktima na ipag­tapat sa kaniyang pamilya ang pamamaga ng kaniyang  ari.

Gayunman, nang lagna­tin ang biktima ay inusisa ito ng kaniyang ina mata­pos na ilang araw na ma­pansing nanam­lay ang katawan ng anak na halos hirap lumakad at nagku­kulong sa kaniyang ku­warto.

Dahil dito ay isinugod sa Hinoba-an Hospital ang bik­tima na dahilan sa malalang  kondisyon ay inilipat sa Western Visayas Regional Hospital sa Ba­colod City.

Gayunman, nabigo nang maisalba ang buhay ng bik­tima dahilan sa kalat na ang impeksyon ng  tetano sa kata­wan nito.

Nabatid na ang bolitas ay isang uri ng  manipis na me­tal na diumano’y pam­palibog sa mga lalaking naglalagay nito sa kanilang ari para ganahan sa sex  at maging macho ang dating sa kani­lang partner. (Joy Cantos)

Show comments