Shootout: 2 pulis-kotong, 2 pa todas

RIZAL — Apat-katao ka­bilang na ang dalawang pulis na pinaniniwalaang no­toryus na miyembro ng huli­dap gang ang iniulat na napatay makaraang maki­pag­barilan sa mga alagad ng batas sa isinagawang ope­rasyon  sa Barangay Tatala sa bayan ng Binangonan, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga napatay ay sina PO1 Richard Gilia ng Rizal Provincial Police Office headquarters;  PO1 Dennis Montemayor ng Taytay PNP;  Alfredo “Junjun” Capistrano at isang alyas “Tisoy”.

Sugatan naman ang isa sa mga rumespondeng  pu­lisya na nakilalang si SPO2 Renato Membrere, na nga­yon ay nasa Angono Medical Center.

Ayon kay P/ Senior Supt. Ireneo Dordas, Rizal police director, nakatanggap ng ta­wag ang police provincial head­­quarters na namataan ang nasabing grupo sakay ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Sorero Street sa nabanggit na barangay.

Agad namang rumes­pon­de ang mga tauhan ni Dor­das para matiyagan ang mga suspek subalit sinalu­bong sila ng sunud-sunod na pu­tok ng baril hanggang sa maganap ang shootout na nauwi sa pagkamatay ng apat.

Ayon sa ulat, ang apat ay responsable sa modus ope­randi sa Rizal na nanghuhuli ng mga drug pusher subalit hindi kakasuhan  bagkus ay hihingan ng malaking halaga kapalit ng kalayaan.

Nasamsam sa pinangya­rihan ng shootout ang dala­wang .38 cal at isang 9 mm pistola na ginamit ng mga napatay.Nagsasagawa na ng follow-up operation ang puilsya upang mabatid kung may iba pang kasama ang nasabing grupo sa modus operandi.

Show comments