Hukom sumuporta sa Samar ‘people power’

Pinaboran  ng isang hukom  ang people power na idinaraos  sa Lavezares, Northern Samar matapos ibasura  nito ang inihaing motion for execution pending appeal ng nagpoprotestang talunang kandidato sa pagka-alkalde sa nasabing bayan.

Ayon kay Judge Manuel F. Torrevillas, Jr., executive judge ng RTC, Allen, walang sapat na basehan para paniwalaan at hindi  credible ang motion for execution pending appeal ng natalong kandidatong si Artemio Balag, laban kay Lavezares Mayor Quintin B. Saludaga.

Base sa court records, binaluktot ng naunang hukom na dumi­dinig sa kaso ang desisyon upang paboran ang talunang kandi­dato, makaraang mabuking na nagdagdag-bawas para pababain ang boto ng nanalong alkalde na si Mayor Saludaga at pataasin naman ang bilang ng boto ng natalong kandidato na si Balag.  

Ayon sa tala ng Certificate of Canvass (COC) at Statement of Votes (SOV) Per Precinct kung saan opisyal na talaan at pirmado ng Municipal Board of Canvassers, si Saludaga ay nakakuha ng total na 5,913 votes habang si Balag ay 5,168 boto lamang.

“Dininig ng Panginoong Diyos ang panalangin ng taumbayan na ang katotohanan ang manaig at hindi ang baluktot na ka­sinungalingan na tinahi para yurakan ang kaluluwa at boses ng mamamayan na nakaukit sa balota,” pahayag ni Mayor Saludaga.

Show comments